Descriptions:

Lyrics:
Tangina, di ko akalaing makikita ka
Kakaiba talaga ang tadhana
Masakit pa rin palang makita ang kislap
Ng iyong mga mata ng dahil sa iba

Pasensya na, di ko mapigilan ang titigan ka
Kakaiba, di ko halos kilala
Masakit pa rin palang malaman
Na hindi ako kasing saya pero pwede na

Wag na lang isipin na ikaw pa rin
Ang himig na sinta

Di naman na ako umaasa pa
Ayos lang sa ‘kin na wala na pero bakit gano’n
Ba’t hanggang ngayon
Hindi maiwasang sayo’y lumingon
Ang akin lang, sayang ang ginugol kong
Panahong dapat sa sarili ko na lang tinuon
Sa halip magtanong
Kung bakit hindi ka man lang lumingon

Langhiya, di pa rin sanay na nakikita kang
May ngiti’t di ako ang kasama
Masakit pa rin pala ang pag-alala
Ng pagtawa ko noon ng dahil sa iyo

Wag na lang isipin na ikaw na rin
Ang hinahanap niya

Ang akin lang, sayang ang ginugol kong
Panahong dapat sa sarili ko na lang tinuon
Sa halip magtanong
Kung bakit hindi ka man lang lumingon
Di naman na ako umaasa pa
Ayos lang sa ‘kin na wala na pero bakit gano’n
Ba’t hanggang ngayon
Hindi maiwasang sayo’y lumingon

At wag na lang
Isipin ang dating paglalaan
Ng oras sa ating nakaraan
Kung hawak na n’ya ang ‘yong puso’y
Di sige, kayo kung kayo
At di bale na
Kung bukas paggising andiyan ka pa
Sa puso at diwa ng pagsinta
Pagpapasalamat na lang ang ‘yong alaala
Pero kung pu-pwede baka naman

Tangina, di ko akalaing makikita ka
Kung pwede lang ba sana’y umalis ka na
Kung pwede lang ba sana’y di na lilingon pa

Di naman na ako umaasa pa
Ayos lang sa ‘kin na wala na pero bakit gano’n
Ba’t hanggang ngayon
Hindi maiwasang sayo’y lumingon
Ang akin lang, sayang ang ginugol kong
Panahong dapat sa sarili ko na lang tinuon
Sa halip magtanong
Kung bakit hindi ka man lang lumingon
Sana man lang nagawang lumingon
Palagi’t palaging sayo’y lilingon

Lyrics & Music written by Ashley ‘esa’ Saludes

Credits:
Story Concept: Ashley Saludes “esa”
Project Lead: Trina Juliet De Leon
D.O.P: Darryl Santos
Editor: Darryl Santos
Production Assistant: Jovi Raynel Sanchez
Talent/Casts: Aya Zapanta, Ashley “esa” Saludes, Stephen Prestado, Jerris Samson, Aira Vhenyce Acuna, Jeramiah Paman

Special thanks to: Atom Bar KTV